Coy, kamusta? Matagal na din tayong di nagkita at nakapagkwentuhan, kaya gulat na gulat kami sa balita. Napa-blog tuloy ako.
Bigla tuloy ako napasilip sa computer ko. Di ko sobrang napansin dati, pero isa ka pala sa mga “automatic models” namin mula noon pa. Sa dami ng mga pictures na naka-tambak sa hard drive ko, lagi kang kasama at naka-pose basta magkakasama tayong bloggers. Pasensya na at ngayon ko lang na-post ang iilan, pero tingin ko matutuwa ka sa iba dito.
Sa dami ng kaibigan mong mga bloggers, natutuwa ako at meron din tayong mga kwentong magkasama. Naaalala ko pa nung nakipag–meeting tayo nila Juned sa Globe para sa Philippine Blog Awards nung 2009, di ka pa nagwo-work dun that time. Kakaiba yung kwento nun, di ba? 😉
Saka magkasama din tayo dun sa Eraserheads reunion concert pala, sa una pati dun sa part 2; tapos nung sa pangalawa, tayong tatlo lang ni Hana yung nakapagkita dahil di natin mahanap yung ibang bloggers. Nakatambay lang tayo dun sa labas, nakikinig sa E-heads habang kumakain. Napatayo pa nga tayo bigla nung kinanta nila yung “Kaleidoscope World”, kaka-paalam lang yata ni Francis M. nun. Wait—wow!—baka ngayon maka-jam mo na sya! 😀
Di ko na maalala yung iba pa nating kwento, old age na yata. Pero oks lang, pagdating ng panahon, marami tayong oras para magkwentuhan. Wag lang sana agad soon. Hehehe.
Malungkot pre, at talagang nakakagulat. Di ka man lang namin nabisita sa hospital. Pero alam namin, ganun talaga ang buhay, may mas malaking plano daw, sabi nga nila.
O sya. Kanta na lang tayo, at i-kumusta mo na rin kami kay AJ. Paalam, kaibigan!
[youtube http://www.youtube.com/watch?v=ev_JmyJ26Vc]
Leave a Reply