August 13, 2017: 5 + 5

MHS0746

Sa aking pangga, August 13 na naman! Five years ago tayo kinasal, saktong fifth year anniv natin nun. Wow! 10 years na lahat yun. Sure naman ako na mas madami kang sasabihin, saka lagi mong sinasabi, “more than words”, di dapat salita lang, so titipirin ko na lang. Hehehe. =)

Thank you for your love, devotion, and understanding for me and Mikku, for always seeing the silver lining in every storm we go through, for all the sacrifices you’ve made for our family.

Sa limang taon, ang dami na nating napag-daanan, pero di ko pa rin maisip kung ano pa ang mga kasunod. Pero alam ko kaya natin, tulad ng nakaya natin ang madaming ulan na hindi man lang natin napag-handaan. Basta magkasama tayo. =)

Saka sabi nung isa sa mga favorite song natin: “Bukas sisikat din muli ang araw, ngunit para lang sa may tiyagang maghintay.”

Ulitin ko lang ang lagi kong sinasabi sayo: lahat kakayanin ko para sayo at kay Mikku; para sa pamilya natin. Susubukan ang maraming bahay, pero sabi din kasi dun sa lyrics ng first dance natin:

“Ako’y hindi romantiko, sa iyo’y di ko matitiyak
Na pag ako’y kapiling mo kailanma’y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana’y huwag mong ikalungkot”

I’ve always loved you, and I always will. At kahit anong pang-aasar ko pa sayo, I loved you first. =)

I love you pangga! =*

MHS0805

(The photos in this post were taken by Mimi & Karl.)

No Responses

There are no comments yet. Be the first!

Leave a Reply