Ang langit sa piling mo

Watawat ng Pilipinas

Nanood ako ng Game 2 ng UAAP Finals kahapon. Dahil ni-remind ako ni Mimi sa traffic at hirap ng parking pag games, maaga ko dinaanan si Dax. Bihira lang yun, lagi akong sakto or fashionably late. Maaga kami nakapasok at naka-upo, before pa lumabas ang players sa court.

May konting kwentuhan habang parami na ang mga tao. Medyo di ko inexpect nung tumugtog ang Lupang Hinirang—first time ko sya marinig since election day.

Di ko alam kung kakanta ba ako. Para akong nawalan ng boses bigla. Medyo emotional yung pakiramdam, parang galit na naiiyak na walang maintindihan. Para akong nag instant analysis ng lyrics line-by-line, pilit na nire-reconcile yung kanta sa mga nangyari sa nakaraang mga araw.

Nag-advance yung utak ko sa huling parte ng kanta kaya kinuha ko na lang ang phone at nag-video na lang ako. Wala akong nakanta. Sa pagkakataong yun, hindi ko maisip na handa akong mamatay para sa’yo, Pilipinas. Hindi ko maramdaman ang langit sa piling mo.

[vimeo https://vimeo.com/709211724]

No Responses

There are no comments yet. Be the first!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comments will be sent to the moderation queue.