Juned tagged me for this ongoing meme for University of the Philippines grads, so I expect Joey, Mic, Brymac, Jonas, Mida, Ederic, Jaemark, and Mimi & Karl to do this after me.
UP Survey
Maligayang ika-100 taon, mga Iskolar ng Bayan!
- Student number?
96-05576. Shet, lagpas 10 years ago na pala yun! - College?
Engineering. So kahit six years ako sa UP, kahit paano justified kasi bihira na ang guma-graduate on time sa Eng’g. Hehehe. - Ano ang course mo?
BS ChE. Oo, engineer talaga ako, kahit hindi masyadong halata. - Nag-shift ka ba o na-kickout?
Nag-shift. Buti na lang hindi ako nag–stay sa EEE (CoE), kung hindi malamang na–kickout ako. - Saan ka kumuha ng UPCAT?
Di ko na maalala, sa BA yata eh. Matagal na kasi yun eh! - Favorite GE subject?
Di ko na rin maalala, siguro Comm 1 na lang para matuwa naman yung dati kong teacher. Hehe. - Favorite PE?
Chess. Kasi naka–uno ako. Tsamba. 😉 - Saan ka nag-aabang ng hot guy sa UP?
Potah naman, mukha ba kong nag–aabang ng mga hot guys? Si AJ ba gumawa ng meme na to? Wala akong hilig sa kalokohan nun, eskwela–bahay lang talaga ako. Yata. Hehehe. - Favorite prof(s)
Naku trick question na yata to ah. Marami kasi sa kanila di ko na maalala, so yung naalala ko na lang lalagay ko. Syempre kasama ulit si Mida (yes I still owe you your website), tapos yung mga nagpasa sa akin sa Math 17, 53, 54, & 55: Ginny Evidente & Ivy Suan. Kasi kung di dahil sa inyo nasa UP pa rin siguro ako ngayon. Hahaha!Sa Eng’g pa pala, madami din akong favorite, yung iba simply because of personal reasons, pero madami dahil sa husay nila. Madami sa ChE department, pero special mention syempre si Sir Nato Dela Cruz! Inspirational kasi. Tapos sa ES department naman, si Joost saka si Ian Sison.
Sorry di ko na talaga maalala yung iba eh.
- Pinaka-ayaw na GE subject.
Pag nagchi–check ng attendance, ayoko na yung subject. Hehe. - Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?
Madami din, no choice talaga pag taga-eng’g ka. - Nakapag-field trip ka ba?
Hindi yata. Lahat ba nag–ganun? - Naging CS ka na ba or US sa UP?
Wala sa grades ang tunay na karunungan. Meaning, hindi. Haha. Funny. Pwede ba burahin na lang tong question na to? - Ano ang Org/Frat/Soro mo?
Wala akong frat, tapos dalawa lang org ko. Proudly UP ALCHEMES and UP SAVER! - Saan ka tumatambay palagi?
Sa library. Joke. Kung hindi ako tulog sa kotse, nasa tambayan lang ng mga org ko. Or sa CASAA pag hapon nung first year. - Dorm, Boarding house, o Bahay?
Bahay forever! - Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun? (Given ang mentality mo nung HS ka)
Ganun pa rin, CoE or ChE. Pero kung iisipin ko ngayon, sana yung mas IT–related. - Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
Pisay ako eh, so marami agad kaming magkakilala sa block. Si Hero yata yung una ko na nakilala na hindi ko ka–batch sa Pisay. - First play na napanood mo sa UP?
Di ko na maalala, pero sa Comm 1 yata yun. - Name the 5 most conyo orgs in UP
Madami, malamang mga BA saka Econ orgs. Saka yung dalawang IE orgs sa Eng’g. Hehe. - Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
Org ko lang ang cool. Hahaha! Aba ewan ko sa iba. 😉 - May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Wala, masyado akong dorky eh. - Saan ka madalas mag-lunch?
Iba–iba eh, pangit kasi yung paulit–ulit. McDo, Jollibee, yung Thai sa may Romulo Hall, S.R. Thai, mga manang sa likod ng Eng’g. Pero hanggang ngayon favorite ko pa rin ang Rodic’s! Woohoo, tara tapsilog tayo! - Masaya ba sa UP?
Syempre! - Nakasama ka na ba sa rally?
Syempre hindi! - Ilang beses ka bumoto sa Student Council
Ewan. Sobrang konti lang malamang. - Name at least 5 leftist groups in UP
UP ALCHEMES! Hahaha, joke. Feeling leftist lang ako kasi kasama ako sa founding members, eh grabe ang opposition nung “other ChE org” so ang saya ng history namin. - Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Hindi. Nung after mag-graduate ko lang naisip na okay din pala sana yun. - Kanino ka pinaka-patay sa UP?
Madami, pero yung iba di ko talaga nakilala, hehehe. No names, masyado nang showbiz yung ganyan eh. - Kung di ka UP, anong school ka?
Malamang Ateneo, yun na lang naman ibang inapplyan ko eh. - (Pahabol na tanong) Paboritong inuman?
Di rin ako mahilig uminom nun, seryoso. Pero ngayon maraming magandang spot sa Maginhawa St, lalo na sa paboritong naming “dynamite.”
Grabe, ang haba naman nito! Sorry na lang sa mga susunod, hehe.
Hindi ako ang gumawa ng meme na ito. Kinopya ko lang siya at hindi na pinalitan ang ga tanong! bwhahaha
Ah… founding member ka pala ng ALCHEMES. Hehehe.
Ako na naman?? Bakit ba tuwing may meme kayo, ako yung tina-tag nyo?? 😛
si markku nung una ko pa lang nakilala dahil sa peyups, nakikita ko laging nag-eenroll sa math. di ko naman malapitan para matulungan kasi di kami close. hehe
@Baklang AJ: Kasi sabi hot guys daw eh! Hehe.
@Eugene: Bakit parang may naisip ka bigla about ALCHEMES? 😉
@mic: Tama na daldal, gawin mo na lang. Di ba gusto mo maging sikat? 😉 Hehehe.
@AJ [janep.org]: Pare naman, wag mo naman ako masyadong ibuko! Hehe. Musta na dyan?
Can’t relate much, but I love the shot at the beginning of the entry. Sinister yet lovely. =)
Thanks Amanda! 🙂