Tado!

071012-0050-0028

Idol Tado, di ka namin lubos na nakilala, pero nakapagkwentuhan din tayo konti sa mga RockEd events noon. Bisdak man pud diay ka! =)

Tuwang-tuwa ako, nakilala ko rin yung nandun sa Strangebrew! Gustong-gusto namin yung show na yun, lalo na ng kapatid kong si Hannu?.

Nung magkasama tayo sa Rock the Rehas dati, panalo yung jokes mo, hanggang ngayon di ko makalimutan:

Ayos yung ganito, captive audience.

saka yung:

Di naman kayo nagmamadali di ba, wala naman kayong pupuntahan?

Hehehe.

Alam ko marami ka pa sanang pwedeng gawin, pero ayos na din, sigurado ako nagawa mo na ang purpose mo sa mundo. At sigurado ako, sa mga nagawa mo na noon, marami kang na-inspire at namulat sa iba’t-ibang paraan.

Maraming salamat idol.

071012-0049-0026

(Sorry blurred yung picture, di yata na-focus. Saka di ko maalala kung si Joey ba o isa pa sa mga RockEd friends ang kumuha.)

No Responses

There are no comments yet. Be the first!

Leave a Reply